Iksamen sa sibika 2008: lahat ng 100 tanong at sagot sa Tagalog at Ingles

Ang Iksamen sa sibika 2008 ay para sa mga nag-file ng Form N-400 bago ang Oktubre 20, 2025. Itatanong ng opisyal sa Ingles ang hanggang 10 sa 100 tanong na ito, at kailangan mo ng 6 tamang sagot para pumasa.

Nag-file ka ba sa kabilang panig ng Oktubre 20, 2025? Pag-aralan ang iksamen sa sibika 2025. Hindi sigurado?

Ang mga tanong at sagot sa Tagalog ay ang opisyal na salin ng USCIS.

100tanong na pag-aaralan
10tanong ang pinakamarami
6tama para pumasa
5mali at hihinto ang iksamen

Pamahalaan ng Amerika

Mga prinsipyo ng demokrasyang Amerikano

  1. 1Ano ang pinakamataas na batas ng bansa?
    ang Konstitusyon · the Constitution
  2. 2Ano ang Ginagawa ng Konstitusyon?
    itinatatag ang pamahalaan · sets up the government
  3. 3Ang ideya ng sariling-pamamahala ay nasa unang tatlong salita ng Konstitusyon. Ano ang mga salitang ito?
    Tayong mga Tao · We the People
  4. 4Ano ang isang susog?
    isang pagbabago (sa Konstitusyon) · a change (to the Constitution)
  5. 5Ano ang tinatawag na unang sampung susog sa Konstitusyon?
    ang Batas sa mga Karapatan · the Bill of Rights
  6. 6Ano ang isang karapatan o kalayaan mula sa Unang Susog?
    pagsasalita · speech
    ★
  7. 7Ilang susog mayroon ang Konstitusyon?
    dalawampu’t-pito (27) · twenty-seven (27)
  8. 8Ano ang ginagawa ng Deklarasyon ng Kalayaan?
    ipinahayag ang ating kalayaan (mula sa Great Britain) · announced our independence (from Great Britain)
  9. 9Ano ang dalawang karapatan sa Deklarasyon sa Kalayaan?
    buhay · life
  10. 10Ano ang kalayaan sa relihiyon?
    Maaari kang magpraktis ng anumang relihiyon, o hindi magpraktis ng relihiyon. · You can practice any religion, or not practice a religion.
  11. 11Ano ang sistema ng ekonomiya sa Estados Unidos?
    kapitalistang ekonomiya · capitalist economy
    ★
  12. 12Ano ang “pamamayani ng batas”?
    Ang bawat isa ay dapat sumunod ng batas. · Everyone must follow the law.

Pamahalaan ng Amerika

Sistema ng pamahalaan

  1. 13Sabihin ang isang sangay o bahagi ng pamahalaan.
    Kongreso · Congress
    ★
  2. 14Ano ang pumipigil sa isang sangay ng pamahalaan na maging masyadong makapangyarihan?
    mga pagsusuri at pagbalanse · checks and balances
  3. 15Sino ang namamahala sa sangay na ehekutibo?
    ang Pangulo · the President
  4. 16Sino ang gumagawa ng mga pederal na batas?
    Kongreso · Congress
  5. 17Ano ang dalawang bahagi ng Kongreso ng Estados Unidos?
    the Senado at Kapulungan (ng mga Kinatawan) · the Senate and House (of Representatives)
    ★
  6. 18Ilang Senador ng Estados Unidos ay mayroon?
    isang daan (100) · one hundred (100)
  7. 19Inihahalal natin ang isang Senador ng Estados Unidos para sa ilang taon?
    anim (6) · six (6)
  8. 20Sino ang isa sa mga Senador ng inyong estado ngayon?
    Depende sa kung saan ka nakatira ·
    ★
  9. 21Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay may ilang bumobotong miyembro?
    apat na raan tatlumpu’t-lima (435) · four hundred thirty-five (435)
  10. 22Naghahalal tayo ng Kinatawan ng Estados Unidos para sa ilang taon?
    dalawa (2) · two (2)
  11. 23Sabihin kung sino ang inyong Kinatawan ng Estados Unidos.
    Depende sa kung saan ka nakatira ·
  12. 24Sino ang kumakatawan ng Senador ng Estados Unidos?
    lahat ng mga tao ng estado · all people of the state
  13. 25Bakit ang ilang estado ay may mas maraming Kinatawan kaysa ibang mga estado?
    (dahil sa) populasyon ng estado · (because of) the state’s population
  14. 26Naghahalal tayo ng Pangulo para sa ilang taon?
    apat (4) · four (4)
  15. 27Sa anong buwan tayo bumoboto para sa Pangulo?
    Nobyembre · November
    ★
  16. 28Ano ang pangalan ng Pangulo ng Estados Unidos ngayon?
    Donald J. Trump · Donald J. Trump
    ★
  17. 29Ano ang pangalan ng Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos ngayon?
    JD Vance · JD Vance
  18. 30Kung ang Pangulo ay hindi na nakakapaglingkod, sino ang nagiging Pangulo?
    ang Pangalawang Pangulo · the Vice President
  19. 31Kung ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo ay hindi na nakakapaglingkod, sino ang nagiging Pangulo?
    ang Ispiker ng Kapulungan · the Speaker of the House
  20. 32Sino ang Punong Kumander ng militar?
    ang Pangulo · the President
  21. 33Sino ang pumipirma ng mga panukalang-batas upang maging mga batas?
    ang Pangulo · the President
  22. 34Sino ang nagbebeto sa mga panukalang-batas?
    ang Pangulo · the President
  23. 35Ano ang ginagawa ng Gabinete ng Pangulo?
    nagpapayo sa Pangulo · advises the President
  24. 36Ano ang dalawang posisyon na nasa antas ng Gabinete?
    Kalihim ng Agrikultura · Secretary of Agriculture
  25. 37Ano ang ginagawa ng sangay na panghukuman?
    nirerepaso ang mga batas · reviews laws
  26. 38Ano ang pinakamataas na hukuman sa Estados Unidos?
    ang Korte Suprema · the Supreme Court
  27. 39Ilan ang mga mahistrado sa Korte Supreme?
    siyam (9) · nine (9)
  28. 40Sino ang Punong Mahistrado ng Estados Unidos ngayon?
    John Roberts · John Roberts
  29. 41Sa ilalim ng ating Konstitusyo, ang ilang kapangyarihan ay nasa pederal na pamahalaan. Ano ang isang kapagyarihan ng pederal na pamahalaan?
    maglimbag ng pera · to print money
  30. 42Sa ilalim ng ating Konstitusyon, ang ilang kapangyarihan ay nasa mga estado. Ano ang isang kapangyarihan ng mga estado?
    magkaloob ng pag-aaral at edukasyon · provide schooling and education
  31. 43Sino ang Gobernador na iyong estado ngayon?
    Depende sa kung saan ka nakatira ·
  32. 44Ano ang kapital ng iyong estado?
    Depende sa kung saan ka nakatira ·
    ★
  33. 45Ano ang dalawang pangunahing partidong pampulitika sa Estados Unidos?
    Democratic at Republican · Democratic and Republican
    ★
  34. 46Ano ang partidong pampulitika ng Pangulo ngayon?
    Republican (Party) · Republican (Party)
  35. 47Ano ang pangalan ng Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan?
    Mike Johnson · Mike Johnson

Pamahalaan ng Amerika

Mga karapatan at responsibilidad

  1. 48May apat na susog sa Konstitusyon tungkol sa kung sino ang makakaboto. Ilarawan ang isa sa mga ito.
    Mga mamamayang labingwalong (18) taong gulang at mas matanda (ay makakaboto). · Citizens eighteen (18) and older (can vote).
  2. 49Ano ang isang responsibilidad na para lamang sa mga mamamayan ng Estados Unidos?
    magsilbi sa isang hurado · serve on a jury
    ★
  3. 50Sabihin ang isang karapatan na para lamang sa mga mamamayan ng Estados Unidos.
    bumoto sa isang pederal na halalan · vote in a federal election
  4. 51Ano ang dalawang karapatan ng bawat isang naninirahan sa Estados Unidos?
    kalayaang magpahayag · freedom of expression
  5. 52Katapatan sa ano ang ipinapakita kapag sinasabi natin ang Pledge of Allegiance?
    sa Estados Unidos · the United States
  6. 53Ano ang isang pangako na ginagawa mo kapag ikaw ay naging mamamayan ng Estados Unidos?
    isuko ang katapatan sa ibang mga bansa · give up loyalty to other countries
  7. 54Ilang taon kailangan ang mga mamamayan upang makaboto para sa Pangulo?
    labingwalong (18) taong gulang at mas matanda · eighteen (18) and older
    ★
  8. 55Ano ang dalawang paraan na ang mga Amerikano ay maaaring lumahok sa kanilang demokrasya?
    bumoto · vote
  9. 56Ano ang huling araw na maaari mong ipadala ang pederal na income tax forms?
    Abril 15 · April 15
    ★
  10. 57Kailangan dapat magparehistro ang lahat ng mga lalaki sa Selective Service?
    sa edad na labingwalo (18) · at age eighteen (18)

Kasaysayan ng Amerika

Panahong kolonyal at kalayaan

  1. 58Ano ang isang dahilan kung bakit pumunta sa Amerika ang mga colonist?
    kalayaan · freedom
  2. 59Sino ang nanirahan sa Amerika bago dumating ang mga Europeo?
    Mga Amerikanong Indiyan · American Indians
  3. 60Anong grupo ng mga tao ang dinala sa Amerika at ipinagbili bilang mga alipin?
    Mga Aprikano · Africans
  4. 61Bakit nilabanan ng mga colonist ang British?
    dahil sa mga matataas na buwis (pagbubuwis nang walang pagkatawan) · because of high taxes (taxation without representation)
  5. 62Sino ang sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan?
    (Thomas) Jefferson · (Thomas) Jefferson
  6. 63Kailan ipinagtibay ang Deklarasyon ng Kalayaan?
    Hulyo 4, 1776 · July 4, 1776
  7. 64May 13 orihinal na estado. Magsabi ng tatlo.
    New Hampshire · New Hampshire
  8. 65Ano ang nangyari sa Kombensiyon para sa Konstitusyon?
    Ang Konstitusyon ay isinulat. · The Constitution was written.
  9. 66Kailan isinulat ang Konstitusyon?
    1787 · 1787
  10. 67Ang mga Pederalistang Papel ay sumuporta sa pagpasa ng Konstitusyon. Tukuyin ang isa sa mga sumulat.
    (James) Madison · (James) Madison
  11. 68Ano ang isang bagay na sikat si Benjamin Franklin?
    diplomat ng Estados Unidos · U.S. diplomat
  12. 69Sino ang “Ama ng Ating Bansa”?
    (George) Washington · (George) Washington
  13. 70Sino ang unang Pangulo?
    (George) Washington · (George) Washington
    ★

Kasaysayan ng Amerika

Mga taon ng 1800

  1. 71Anong teritoryo ang binili ng Estados Unidos mula sa France noong 1803?
    ang Louisiana Territory · the Louisiana Territory
  2. 72Magsabi ng isang digmaan na nakipaglaban ang Estados Unidos noong mga taon ng 1800.
    Digmaan ng 1812 · War of 1812
  3. 73Tukuyin ang digmaan ng Estados sa pagitan ng Hilaga at Timog.
    ang Digmaang Sibil · the Civil War
  4. 74Sabihin ang isang problema na humantong sa Digmaang Sibil.
    pang-aalipin · slavery
  5. 75Ano ang isang mahalagang bagay na ginawa ni Abraham Lincoln?
    pinalaya ang mga alipin (Proklamasyon ng Paglaya) · freed the slaves (Emancipation Proclamation)
    ★
  6. 76Ano ang ginawa ng Proklamasyon ng Paglaya?
    pinalaya ang mga alipin · freed the slaves
  7. 77Ano ang ginawa ni Susan B. Anthony?
    nakipaglaban para sa mga karapatan ng mga babae · fought for women’s rights

Kasaysayan ng Amerika

Huling kasaysayan ng Amerika at ibang mahalagang impormasyong pangkasaysayan

  1. 78Sabihin ang isang digmaan na nakipaglaban ang Estados Unidos noong 1900s.
    Unang Digmaang Pandaigdig · World War I
    ★
  2. 79Sino ang Pangulo noong Unang Digmaang Pandaigdig?
    (Woodrow) Wilson · (Woodrow) Wilson
  3. 80Sino ang Pangulo sa panahon ng Great Depression at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    (Franklin) Roosevelt · (Franklin) Roosevelt
  4. 81Sino ang nakalaban ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    Japan, Germany, at Italy · Japan, Germany, and Italy
  5. 82Bago siya naging Pangulo, si Eisenhower ay isang heneral. Sa anong digmaan siya nakipaglaban?
    Ikalawang Digmaang Pandaigdig · World War II
  6. 83Sa panahon ng Cold War, ano ang pangunahing inaalala ng Estados Unidos?
    Komunismo · Communism
  7. 84Anong kilusan ang nagtangkang tapusin ang diskriminasyon sa lahi?
    mga karapatang sibil (kilusan) · civil rights (movement)
  8. 85Ano ang ginawa ni Martin Luther King, Jr.?
    nakipaglaban para sa mga karapatang sibil · fought for civil rights
    ★
  9. 86Anong malaking pangyayari ang nangyari noong Setyembre 11, 2001, sa Estados Unidos?
    Inatake ng mga terorista ang Estados Unidos. · Terrorists attacked the United States.
  10. 87Magsabi ng isang tribo ng Amerikanong Indiyan sa Estados Unidos.
    Cherokee · Cherokee

Pinagsamang sibika

Heograpiya

  1. 88Magsabi ng isa sa dalawang pinakamahabang ilog sa Estados Unidos.
    Missouri (River) · Missouri (River)
  2. 89Anong karagatan ang nasa West Coast ng Estados Unidos?
    Pacific (Ocean) · Pacific (Ocean)
  3. 90Anong karagatan ang nasa East Coast ng Estados Unidos?
    Atlantic (Ocean) · Atlantic (Ocean)
  4. 91Magsabi ng isang teritoryo ng Estados Unidos.
    Puerto Rico · Puerto Rico
  5. 92Magsabi ng isang estado na naghahangga sa Canada.
    Maine · Maine
  6. 93Magsabi ng isang estado na naghahangga sa Mexico.
    California · California
  7. 94Ano ang kapital ng Estados Unidos?
    Washington, D.C. · Washington, D.C.
    ★
  8. 95Nasaan ang Istatwa ng Kalayaan?
    New York (Harbor) · New York (Harbor)
    ★

Pinagsamang sibika

Mga simbolo

  1. 96Bakit may 13 guhit ang bandera?
    dahil may 13 orihinal na colony · because there were 13 original colonies
  2. 97Bakit may 50 bituin ang bandera?
    dahil may isang bituin para sa bawat estado · because there is one star for each state
    ★
  3. 98Ano ang tawag sa pambansang awit?
    The Star-Spangled Banner · The Star-Spangled Banner

Pinagsamang sibika

Mga piyesta opisyal

  1. 99Kailan tayo nagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?
    Hulyo 4 · July 4
    ★
  2. 100Magsabi ng dalawang pambansang Piyesta Opisyal ng Estados Unidos.
    Bagong Taon · New Year’s Day

Buong access

Magsanay na parang totoong interbyu

  • Mga practice test na humihinto sa 12 tama o 9 mali, gaya ng totoong iksamen ng 2025
  • Pakinggan ang bawat tanong sa Ingles, saka sabihin nang malakas ang sagot mo
  • Tingnan ang mga tanong na mali ka at pag-aralan muna ang mga iyon
  • Mga study guide na maipi-print (PDF, Ingles) para sa iksamen ng 2025 at 2008
$9.99isang bayad lang · walang subscription
Subukan ang 5 libreng tanong

Nakabili ka na? Mag-sign in

Ligtas na pagbabayad sa pamamagitan ng Stripe. Wala kaming kaugnayan sa USCIS o sa pamahalaan ng Estados Unidos.

Mga karaniwang tanong

Sino ang kumukuha ng Iksamen sa sibika 2008?

Para sa mga nag-file ng Form N-400 bago ang Oktubre 20, 2025. Ang petsa ng pag-file mo ng Form N-400 ang nagpapasiya ng iksamen mo, hindi ang petsa ng interbyu.

Ilan ang tanong sa Iksamen sa sibika 2008?

May 100 opisyal na tanong. Itatanong sa iyo ng opisyal nang malakas ang hanggang 10 sa mga ito, sa Ingles. Pasado ka kapag tama ang 6. Humihinto ang iksamen kapag 6 na ang tama o 5 na ang mali.

Ano ang patakarang 65/20?

Kung 65 taong gulang ka pataas at 20 taon o higit ka nang permanent resident kapag nag-file ka, ang 20 tanong lang na may bituin ang pag-aaralan mo. Itatanong ng opisyal ang 10 sa mga ito at kailangan mo ng 6 tama. Maaari mo ring kunin ang iksamen sa sibika sa Tagalog.

Sa Ingles ba o sa Tagalog ang iksamen?

Sa Ingles ang iksamen. Ang mga kwalipikado lang sa exemption dahil sa edad (50/20, 55/15 o 65/20) ang maaaring kumuha ng iksamen sa sibika sa sarili nilang wika, kasama ang isang interpreter. Kaya lagi naming ipinapakita ang opisyal na tanong at sagot sa Ingles.

Sanggunian: USCIS M-638 (rev. 01/19) at ang opisyal na salin nito sa Tagalog. Tingnan ang mga update sa iksamen ng USCIS (Ingles) bago ang iyong interbyu.